Bakit minsan, sa isang pagkakamali lang natin nagbabago na agad ung tingin satin ng ibang tao. Yung madami kang ginawang maganda at mabuti tapos may isang nagawa ka lang na mali, mapagsasalitaan ka na agad ng masakit. Yung ginawa mong mali na agad yung maalala sayo na para bang wala kang nagawang mabuti.
Lahat naman nagkakamali, at dun sa mga pagkakamaling yun tayo natututo. Sana lang maisip ng iba na may mabuti parin namang dahilan at mabuting madudulot yung pagkakamaling yun sa pagkatao natin. Hindi yung basta basta nalang manghusga sa kung ano yung nakita o nangyari.

