Sadyang may mga bagay lang talaga na hindi na pwdeng balikan at ibalik sa dati, at sana naiintindihan mo yun. :)
Nakakatuwa lang malaman na may taong nakakakita ng worth mo. :)
Think Twice.
Ang sarap sa pakiramdam na may nagpapahalaga sa’yo, yung tinuturing ka na “special someone” yung sweet sa’yo, yung may kung ano-ano ginagawa para lang iparamdam sa’yo na special ka sakanya…
Pero, pano pag nalaman mo na ginagawa rin pala niya yun sa iba? Yung parin ba yung mararamdaman mo? O ang mararamdaman mo ay parang hindi ka pala talaga special sakanya?
Think twice bago mahuli ang lahat.
Impenetrability
definition: Two objects cannot occupy the same space at the same time..
Isa ang Impenetrabilitysa General properties of matter meaning isa lang yan sa mga characteristics possessed by all kinds of matter.
Parang sa love lang, dapat meron din na Impenetrability.
“Two(or more) people cannot occupy the same heart at the same time.” For short, loyalty sa taong mahal mo. :)
“Maghihintay ako” “Hihintayin kita”
Famous line/s na ‘to ng guys na nanliligaw or inlove sa isang girl na hindi pa handa or hindi pa pwde pumasok sa isang relationship.
Nakakatuwa makakilala ng isang lalake na pinapatunayan at pinapanindigan yung mga salitang yun sa babaeng mahal niya. May kilala kasi ako, si guy nagsimulang maghintay kay girl nung HS palang sila tapos ngayon college na sila etong si guy matyaga parin na naghihintay kay girl for almost 3 years na ata. :) yung kahit mag kaiba sila ng pinapasukan na school at magkalayo pa, hindi parin nawawala yung feelings ni guy. Sweet parin siya kay girl. :) kinikilig nga ako sakanilang dalawa eh. HAHAHA. XD
Sana hindi mapagod maghintay si guy at maging sila para kahit hindi man mangyari sakin yun, mapapatunayan ko na posible talaga na mag hintay ng kahit ganong katagal ang isang tao para sa mahal niya. :)
